MANILA, Philippines - Bidding ang nakikitang pinakamagandang solusyon ni dating Energy secretary at Liberal Party (LP) senatoriable Carlos Jericho Petilla upang hindi mapagsamantalahan ng mga negosyante ng kuryente ang publiko.
Sa isang pahayag, binanggit ng dating kalihim na kagaya ng ibang produkto at serbisyo na kinukuha ng gobyerno sa pribadong sektor patungo sa publiko, sa bidding lamang makikita kung alin ang pinakamataas at pinakarasonableng presyo ng kuryente.
Tugon ito ni Petilla sa mga kumakalat na impormasyon na umano’y mas pabor sa mga consumer ang sistemang optional bidding.
Sa kanyang panunungkulan sa DOE, nabuo ni Petilla ang Competitive Selection Process (CSP) na ngayon ay napapakinabangan na ng publiko dahil naibubunyag nito ang totoong presyuhan ng kuryente na ipinapataw ng mga distribution utilities.
Tinukoy din ni Petilla ang ilang partikular na lugar na nakakaranas ngayon ng mas mababang presyo ng kuryente dahi sa ideya niyang CSP.
“At least two areas in Regions 1 and 3 where the practice of demand aggregation and competitive bidding yielded a per kilowatthour price of ?P3.12 and P3.20, respectively,” pagbubunyag pa ni Petilla.
“This is the best example why CSP should be mandatory. Anything that two companies negotiate on but people pay for can’t be kept secret. It has to be open,” diin pa nito na nagpapakita ng indikasyon na kung magiging senador ay isusulong ang panukalang may kaugnayan sa nabanggit na usapin.