NUEVA ECIJA, Philippines – Tatlo-katao ang iniulat na namatay makaraang masunog ang kanilang bahay sa Purok Sagana, Barangay Mangandingay sa Muñoz City, Nueva Ecija, noong Lunes ng madaling araw. Kinilala ng pulisya ang mga namatay na sina Chrissia Mae Lugo, 18, 2nd year college student sa Central Luzon State University; Margie Dimaano y Villanueva, 11, Grade 5 pupil; at pinsan nitong si Amylee Dial y Dimaano, 9, Grade 3 pupil. Sugatang nakaligtas ang 12-anyos na si Mc Verly Salcedo matapos itong makalabas ng kanilang bahay. Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na nakatulog ang mga biktima sa bahay ni Neliza Nanduani habang nakasindi ang kandila sa ibabaw ng plastic table. Pinaniniwalaang natumba ang kandila dahil sa lakas ng hanging dulot ng bagyong Lando kaya naganap ang sunog.