^

Probinsiya

2 Chinese consul patay sa pamamaril

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang Chinese consul ang napatay habang sugatan naman ang dalawang iba pa kabilang ang Chinese consul general makaraang pagbabarilin ng kasamahan Tsino sa loob ng restaurant sa Cebu City kahapon ng hapon.

Sa phone interview, kinilala ni P/Supt. Renato Dugan, spokesman ng police regional office (PRO) 7, ang nasugatang opisyal na si Chinese Consul General Song Ronghua na isinugod sa Cebu City Hospital.

Kinilala naman ang sinasabing napatay na staff ni Ronghua na si Hui Li habang idineklarang pataynaman sa Perpetual Succor Hospital si Sun Shen.

Patuloy pang isinasalba ang buhay ng isa pang kasamahan ng consul ge­neral.

Arestado naman ng mga operatiba ng pulisya ang itinuturong suspek na mag-asawang Li Qing Liang, 60; at  Gou Jing, 57, Chinese Consul na patuloy na isinasailalim sa tactical interrogation.

Sa inisyal na ulat ng Cebu City PNP na isi­numite sa Camp Crame, naitala ang pamamaril sa Lighthouse Restaurant sa Mango Avenue sa Brgy. Carreta bandang alauna y medya ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon, magkakasamang kumakain sa function room ang grupo ng consul general at iba pang kustomer nang maganap ang pamamaril.

Bunga nito ay nagpulasan ang mga nabulabog na kustomer ng restaurant habang agad namang isinugod sa pagamutan ang mga nasugatan.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

ACIRC

ANG

CAMP CRAME

CEBU CITY

CEBU CITY HOSPITAL

CHINESE CONSUL

CHINESE CONSUL GENERAL SONG RONGHUA

DALAWANG CHINESE

GOU JING

HUI LI

LI QING LIANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with