Rebel returnee, itinumba

NORTH COTBATO, Philippines – Napatay ang 37-anyos na rebel returnee habang sugatan naman ang kasama nito matapos itong pagbabarilin ng mga ‘di-kilalang kalalakihan sa Sitio Sentro, Barangay Imamaling sa bayan ng Magpet, North Cotabato kamakalawa ng kahapon. Kinilala ni P/Senior Insp. Felix Fornan, hepe ng Magpet PNP ang magsasakang biktima na si Marco Engay Vea habang sugatan naman ang truck driver na kinilala lamang sa pangalang Rodney. Base sa police report, patungong Kidapawan City ang mga biktima para magdala ng mga kahoy nang harangin at rat­ratin pagsapit sa nasabing lugar. Blanko pa ang Magpet PNP sa motibo ng pamamaril sa mga biktima kung saan sinisilip ang anggulong may kinalaman sa negosyo ng mga biktima.

Show comments