Magka-live-in tiklo sa buy-bust

STAR/File photo  

QUEZON, Philippines - Aabot sa P.2 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa magka-live-in na sinasabing notoryus na tulak ng droga makaraang masakote sa buy-bust operation sa Pleasantville Subdivision, Barangay Ilayang Iyam sa Lucena City, Quezon kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni P/Supt. Joel L. de Mesa, kinilala ang mga suspek na sina Frederick Chua, 41, ng Marktown Subdivision sa Barangay Ibabang Dupay; at Muneth Jimenez, 18, ng Purom San Francisco sa nasabing barangay. Bandang alas-7:30 ng gabi nang isagawa ng operasyon sa pa­ngunguna ni PO2 Rico Galvez laban sa magka-live-in. Nasamsam sa mga suspek ang 20-gramo ng shabu na may street value P236,000 at mga drug paraphernalia.

 

Show comments