Trader nilikida

TUGUEGARAO CITY , Philippines – Alitan sa negosyo ang isa sa mga anggulong tinitingnan ng pulisya sa pagtumba ng riding-in-tandem killers sa isang 47- anyos na negosyante sa Barangay Rizal, Santiago City, Isabela kamakalawa. Kinilala ni Chief Insp. Melanio Vinoray, hepe ng City Police Station 1, ang biktima na si Marlon Uy, tubong Mallig, Isabela. Nakipagtagpo umano ang biktima sa isang kausap sa cellphone bago siya tinambangan ng mga salarin na magkaangkas malapit sa kanilang bakuran habang pauwi ang una dakong alas-9 ng gabi. ?Patay agad si Uy sa tama ng bala ng boga sa ulo. ?Nagpapautang ang biktima na may negosyo sa pagtitinda ng bigas subalit mayroon siyang warrant of arrest kaugnay sa kasong kriminal na isinampa ng kanyang kalaban sa negosyo.

Show comments