Binata pisak sa tren

STAR/File photo

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Nagkagutay-gutay ang katawan ng isang 32-anyos na binata nang masagasaan ng tren habang nag­lalakad sa relis sa PNR Railroad Track sa Brgy. Capucnasan, Milaor, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Nakilala ang biktima na si Ronnie Azanes, 32,  magsasaka ng Zone 4, Brgy. San Miguel, Calabanga, Camarines Sur. Dakong alas-7:00 ng gabi habang naglalakad sa relis papauwi ang biktima na hinihinalang lasing nang mahagip ng tren na may body no. 353 at 354 na minamaneho ng isang Celemen at Nepolo, ng PNR – NAGA. Hindi umano napansin ng mga driber ng tren ang mga pangyayari kung kaya nagpatuloy sila sa biyahe patungo sa Naga City. Kasalukuyan na silang pinaghahanap ng mga awtoridad upang papanagutin sa naturang insidente.

Show comments