STA. ROSA CITY, Laguna, Philippines – Sa paniniwalang mapatitigil ang lumalalang corruption at maibibigay ang pangangailang pangkabuhayan ng libu-libong mamamayan, nagdesisyong sumabak sa mayoralty race si incumbent Vice Mayor Arnel Dela Cruz Gomez sa Sta. Rosa City, Laguna.
Si Gomez na sinamahan ng kanyang nanay na si Nelly at ng kanyang mag-inang Maria Luisa, at Louise Annel ay nagsumite ng certificate of candiday (COC) sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) kahapon ng umaga.
Sinundan si Vice Mayor Gomez ng 5,000 tagasuporta habang tumutulak patungong Comelec sa nasabing lungsod.
Kasama rin ni Gomez, 43, ang kanyang vice mayoralty aspirant na si Ma. Theresa C. Aala at ang sampung kandidato sa pagka-councilor sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC).
Kabilang sa mga konsehal ay sina Sonia U. Algabre, Erwin D. Beato, re-electionist Councilor Laudemer A. Carta, Juanito Castrillo, Mariel C. Cendaña, Carmela G. Colemar, re-electionist Councilor Petronilo D. Factoriza, Analiza O. Maglian, re-electionist Councilor Eric T. Puzon, at si re-electionist Councilor Edward Fernandito S. Tingco.
Inilatag ni Gomez ang kanyang mayoralty platform of governance na transparency and accountability, Abot-Kamay na Serbisyo at Panunungkulan, mga programa at proyektong naka-sentro sa mga mamamayan, people empowerment (Binibigyan-laya ang kakayahan ng mamamayan); at participatory governance (Tamang pamamahala ng local na gobyerno na may inobasyon at makabagong pamamaraan upang lalong mapaunlad ang lungsod, ang nadadama at nararanasan ng bawat isang mamamayan.”
Si Gomez ay graduate na may Baccalaureate sa Electronics and Communications Engineering sa De La sale University, Manila at nakadalawang termino sa vice mayor kung saan naging councilor noong 2010.
Naging Master in Development Management and Governance na may Diploma in Development Management and Governance .
“Panahon na para puksain ang pandarambong ng ilang pulitiko sa kaban ng bayan na matagal nang nagpahirap sa bawat isa sa taga-Sta. Rosa,” pahayag ni Gomez.