Lider ng sindikato ng droga, dakma

QUEZON, Philippines – Arestado ang sinasabing lider ng notoryus na sindikato ng droga sa isinagawang drug bust operation ng mga operatiba ng pulisya sa Purok Damayan, Barangay Ibabang Iyam sa Lucena City, Quezon kamakalawa ng hapon. Nakatakdang kasuhan ang suspek na si Armando Armiendo, 38, may-asawa, negosyante na pinaniniwalaang lider ng Armiendo Drug Syndicate sa Lucena City. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Joel Llanora de Mesa, bandang alas-4:30 ng hapon nang isilbi ng pulisya ang search warrant na inisyu ni Judge Cythia Marino-Ricablanca ng Sta. Cruz Regional Trial Court Branch 27, Laguna. Hindi na nakapalag ang suspek nang palibutan ng mga awtoridad at bagamat walang nakuhang droga sa kanyang pag-iingat ay nasamsam naman ang cal. 9mm pistol, 2 magazine at 35 bala nito.

Show comments