3 kotongero ng drug peddlers, tiklo

BULACAN, Philippines – Tatlong kalalakihan na nagpapanggap na tauhan ng PNP, PDEA at NBI na sangkot sa serye ng pangongotong sa mga drug peddlers ang nasakote sa isinagawang magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa mga Brgy. Bunducan at Turo sa bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon ng madaling araw. Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Cris Ray Salde, 39, ng Brgy. Bunducan, Bocaue; Michael Vicente, 34, ng Brgy. Prenza 1, Marilao; at Roberto “Gazcon” Torres, 51, ng Brgy.Turo sa bayan ng Bocaue. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Ganaban Ali, nasamsam sa mga suspek ang tatlong plastic sachet ng shabu, digital weighing scale, mga drug paraphernalia,cal. 45 pistol, air gun, mga IDs ng PNP, PDEA at NBI at motorsiklo (8476-CH) na pag-aari ni PO2 Randy Bulatao na dating nakatalaga sa Bocaue PNP.

Show comments