TUGUEGARAO CITY, Philippines - Natusta ang 35 anyos na karpintero habang kritikal naman ang isang binatilyo matapos makuryente sa dalawang magkakahiwalay na insidente sa Cauayan city kamakalawa. ?
Sa report ng Cauayan City Rescue 922; aksidenteng nahawakan ni Maximo Marcos ang isang kawad ng Isabela Electric Cooperative habang nagkukumpuni ng bubungan ng isang boarding house sa Barangay San Fermin. ?
Dead-on-arrival si Marcos nang maisugod ng mga sumaklolo sa Cauayan City District Hospital kung saan nagkatagpo ang landas nila ni Doji Barasi Domingo Jr. ng Barangay Rizal.?
Nabatid na kritikal si Barasi matapos mahagip ang live wire ng Iselco habang nagpuputol ng sanga ng puno sa kanilang bakuran.?
Matatandaan na natusta at namatay ang dalawang mag-utol na graduating students na sina Eljay at Jayson Valencio matapos dumikit sa kawad ng Kalinga Electric Cooperative ang hawak nilang basang tubo sa Conner, Apayao noong Martes.