Tandem nag-dive sa ilog, dedo
BULACAN, Philippines – Sinabulong ni kamatayan ang riding-in tandem na senglot matapos itong mag-dive sa malalim na ilog sa Barangay Ulingao, bayan ng San Rafael, Bulacan kahapon ng umaga.
Kinilala ang mga biktima na sina Acel Soriano, 20, driver, ng Brgy. Talang-Talang; at Arnel Enrile, 23, ng Brgy. Mangga sa bayan ng Candaba, Pampanga.
Sa imbestigasyon ni PO3 Jophey Cucal, dakong alas 6 ng umaga nang natagpuan sa ilalim ng tulay ang mga biktima kung saan katabi ng mga ito ang motorsiklong may plakang 9783-TJ.
Sa pagsisiyasat ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operative, walang palatandaang binaril o sinaksak ang mga biktima.
Sa itaas na bahagi ng tulay ay nakita ang skid mark ng gulong ng motorsiklo kung saan pinaniniwalaang nawalan ng control ang driver na si Soriano na sinasabing lango sa alak kaya naganap ang insidente.
- Latest