5 arestado sa buy-bust

NORTH COTABATO, Philippines  - Arestado ang lima katao sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency-ARMM sa Pansacala Street, Barangay Rosary Heights 10 sa Cotabato City, Maguindanao noong Sabado ng tanghali. Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek na sina Mak Samporna Bayao, Rauph Tuansi Bayao, Kamarudin Dematengkal Medsakal, Mar Dag Akmad, at si Jovel Kitom Guialis. Ayon sa ulat, nagpanggap na poseur-buyer ang isa sa mga operatiba ng PDEA-ARMM na bibili ng shabu kay alyas Jaypee. Subalit nakatunog ito mula sa sinasabing drug den kaya nakatakas pero ang limang suspek ay nasakote. Nasamsam sa drug den ang 6.5 gramo ng shabu, cal. 45 pistol at mga drug paraphernalia.

Show comments