^

Probinsiya

Police asset itinumba ng tandem

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napaslang ang 39-an­yos na police asset matapos itong ratratin ng ri­ding-in-tandem gunmen sa housing site sa Cadawinonan sa Dumaguete City noong Biyernes.

Limang bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Harris Alivio na sinasabing asset ng Special Operation Group sa nasabing lungsod at da­ting jail guard na nasibak sa serbisyo dahil sa nagpositibo sa drug testing.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naki­pagkita ang biktima sa isang alyas Tata Agui sa housing site noong Huwebes ng gabi kung saan kaagad itong umalis sakay ng kanyang motorsiklo.

Subalit hindi gumana ang headlight ng motorsiklo kaya pinagawa sa mga meka­nikong sina Rico Sapio at Crisanto Cadayday.

Gayon pa man, habang pinanonood ng biktima ang kanyang motorsiklo na ginagawa ay niratrat ito ng tandem kung saan tinamaan ng ligaw na bala si Sapio.

Narekober sa crime scene ang 15-basyo ng bala ng baril, cal .45 pistol ni Alivio, 19 bala ng baril, tatlong magazines, sling bag at sunglasses.

Ayon kay P/Supt. Jovito Atanacio, si Alivio ay ikatlong  police asset na ang napapatay ng hit men ng sindikato ng droga kung saan naunang pinatay sina Felixberto Somoza III at Roberto Repollo. Freeman News Service

ACIRC

ALIVIO

ANG

CRISANTO CADAYDAY

DUMAGUETE CITY

FELIXBERTO SOMOZA

FREEMAN NEWS SERVICE

HARRIS ALIVIO

JOVITO ATANACIO

RICO SAPIO

ROBERTO REPOLLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with