LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Umabot sa 12-katao habang anim namang sasakyan ang nawasak makaraang suyurin ng pampasaherong bus sa kahabaan ng Andaya Highway sa Barangay Tara, bayan ng Sipocot, Camarines Sur kahapon ng madaling araw. Kabilang sa mga sugatang biktima na isinugod sa Sipocot District Hospital ay sina Salvacion Araojo, Teresita Alivo, Mary Ann Alcaide, Nomer Nunez, Jesus Bolanos, TonTon Guzman, May Amor Rico, Heart Princess Guzman, Elwida Barola, Carmel RaeRyes, Erlinda Sabanal, at si Rochile Morales na mga pasahero ng RMB Bus Liner na may plakang UYA 738.Sa police report na isinumite sa Camp Simeon Ola, sinuyod ng bus na minamaneho ni Arturo Sireno na patungong Tabaco City mula sa Pasay City ang mga nakaparadang traysikel, dalawang motorsiklo. Maging ang Villegas Transit Bus (THX 493) ni Alvin Fernandez at ang 10-wheeler truck (TXK 485) ni Edwin Callos ay sinalpok din ng bus kung saan bumulusok ito sa mababaw na bangin.