MANILA, Philippines – Niyanig ng intensity 5 na lindol ang bahagi ng Sarangani kahapon ng madaling araw. Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang pagyanig sa may 107 kilomentro sa timog ng Kiamba, Sarangani bandang ala-1:23 ng madaling araw. Samantala, ganap na alas-11 ng umaga naman nang maramdaman ang intensity 4.4 na lindol sa bahagi ng Romblon. Nasa 14 kilometro sa timog silangang bahagi ng Corcuera, Romblon ang sentro ng lindol kung saan nagkikiskisang tectonic plates ang pinanggalingan ng pagyanig. Wala namang iniulat na nawasak na ari-arian o nasaktan.