NORTH COTABATO, Philippines – Iniimbestigahan na ngayon ng mga awtoridad ang nadiskubreng speedboat na sadyang pinalubog sa karagatang sakop ng Omar sa Sulu, kahapon ng hapon na pinaniniwalaang ginamit ng mga kidnaper ng tatlong banyaga at isang Pinay na dinukot sa Samal Island sa Davao.
Sa ulat na nakarating kay Joint Task Group Sulu Commander Brig. Gen. Allan Arrojado, kasalukuyang bineberipika rin kung ginamit din sa pagtakas ng mga kidnaper.
Nabatid din na may nadiskubre na ring bangka ang mga awtoridad sa karagatang sakop ng Barangay Silangkan sa bayan ng Parang, Sulu noong Biyernes ng umaga.
Gayon pa man, walang sighting sa mga biktimang dalawang Canadian, isang Norwegian at isang Pinay.
Wala pang major incidents laban sa mga kidnaper mula sa Samal Island sa Davao.