Trader binoga sa hapag-kainan

Trader binoga sa hapag-kainan

MANILA, Philippines – Agaw-buhay sa pagamutan ang 43-anyos na negos­yante matapos itong pagbabarilin  ng di-kilalang lalaki sa hapag-kainan ng kanyang bahay sa Barangay Sto Niño, bayan ng Tungawan, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng gabi. Nagtamo ng mga tama ng bala sa bibig at balikat ang biktimang si Sopia Dungay at kasalukuyang isinasalba sa Vitali Hospital sa Zamboanga City.  Sa ulat na isinumite sa Camp Crame, naghahanda ng hapunan ang biktima para sa kaniyang pamilya nang bigla na lamang pumasok at ratratin ito ng di-kilalang lalaki. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

Show comments