MANILA, Philippines – Apat na magkakasunod na pagyanig ang naitala kahapon ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa nakalipas na 24-oras kahapon.
Unang naitala ng Phivolcs ang 2.9 magnitude na lindol sa may 016 kilometro ng hilagang kanluran sa bayan ng Tabuk City, Kalinga kahapon ng madaling araw kahapon.
Sinundan ito ng intensity 3.0 magnitude na paglindol sa may 042 kilometro ng hilagang kanluran sa bayan ng Divilican, Isabela ganap na ala-1:44 ng madaling araw kahapon.
Bandang alas-5:10 ng umaga kahapon ay naitala naman ang lindol na may lakas na intensity 3.5 magnitude sa may 015 kilometro sa timog silangan ng Iba, Zambales
Samantala, bandang alas-7:23 ng umaga kahapon ay naitala naman ang intensity 2.7 magnitude na lindol sa may 009 kilometro sa timog silangan ng Burgos, Surigao del Norte.
Ayon sa Phivolcs, tectonic plates ang pinagmulan ng apat na pagyanig kung saan wala namang naitalang nawasak na ari-arian.