^

Probinsiya

5 sa Top 10 drug watch list, arestado

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Limang katao na pawang umano’y nagtutulak ng shabu at nakatala sa Top 10 drug watch list ng pulisya ang naaresto matapos na magsagawa ng panibagong drug buy bust operation sa magkahiwalay na lugar sa Brgy.Buenavista at Brgy. San Vicente sa Santa Maria, Bulacan kahapon.

Agad na sinampahan ng mga kaukulang kaso ang mga suspek na sina Vicente “Enteng” Manalad 36, dating police asset ng retiradong police official, nakatala bilang no.1 sa top ten drug watch list at residente ng Brgy. Buenavista, Antonio “Kana” Santos, 48, nakatala bilang no. 4, kapatid nitong si Alexander Santos, 58, kapwa taga Brgy. San Vicente sa bayang ito, Michael Concepcion, 35, ng Brgy. Graceville at Roberto Tilingban 36 ng Brgy. Muzon kapwa sa San Jose Del Monte City.

Base sa ulat ni P/Supt. Rodolfo Hernandez, dakong alas-3:30 ng hapon nang magsagawa ng buy bust operation ang Drug Enforcement Unit laban sa isang alyas Enteng matapos na makumpirmang patuloy siyang nagbebenta ng shabu.

Nakarekober sa suspek ang limang sachet ng shabu, mga drug paraphernalias, isang digital weighing scale, isang .32 kalibre ng baril at mga bala at marked money.

Isinunod ang isa pang-drug operation sa Brgy. San Vicente laban kay alyas Kana na nagresulta sa pagkakaaresto nito kasama ang tatlong iba pa.

vuukle comment

ALEXANDER SANTOS

BRGY

BUENAVISTA

DRUG ENFORCEMENT UNIT

ENTENG

MICHAEL CONCEPCION

ROBERTO TILINGBAN

RODOLFO HERNANDEZ

SAN JOSE DEL MONTE CITY

SAN VICENTE

SANTA MARIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with