^

Probinsiya

3 patay, 3 pa kritikal sa road mishap

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Tatlong katao ang sumalubong kay kamatayan habang tatlo rin ang kritikal na naisugod sa pagamutan sa tatlong magkakahiwalay na aksidente ng motorsiklo sa Cagayan at Isabela kamakalawa.

Patay na nang mairating sa APEMD Hospital ang driver ng motorsiklo na si John Paul Realica habang kritikal ang kanyang mga angkas na sina Gerome Pagador at Lester Gaspar matapos nilang salpukin ang isang punongkahoy sa Barangay Pateng, Gonzaga, Cagayan dakong ala-1:00 ng madaling araw.

Sinabi ni SPO4 Orlan Capili, imbestigador, mabilis na pinatatakbo ni Realica ang sasakyan nang mawalan ito ng kontrol sa kurbadang daan at tumbukin ang puno ng Gmelina sa gilid ng highway.

Sa bayan ng Alcala, basag ang bungo at patay na ng mairating sa Community Hospital ang 37-anyos na si Romie Sorita nang sumalpok sa poste ng PLDT ang minamaneho nitong motorsiklo sa bahagi ng kurbadang highway malapit sa sementeryo ng Brgy. Tupang. Kritikal na isinugod sa Cagayan Valley Medical Center sa lungsod na ito ang angkas ni Sorita na si Marjorie Ramos, 28.

Sa Burgos, Isabela naman dead-on-the-spot ang obrerong si Samuel Bartolome, 47, nang salpukin ng kanyang motorsiklo ang steel railings ng kurbadang highway ng Barangay San Antonino dakong alas-6:30 ng gabi. Sinasabing nag-overtake ang biktima sa sinusundang kuliglig trailer-tractor nang mawalan ito ng kontrol sa manibela at tinumbok ang bakod ng highway.

ANG

BARANGAY PATENG

BARANGAY SAN ANTONINO

CAGAYAN VALLEY MEDICAL CENTER

COMMUNITY HOSPITAL

GEROME PAGADOR

ISABELA

JOHN PAUL REALICA

LESTER GASPAR

MARJORIE RAMOS

ORLAN CAPILI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with