Waitress pisak sa 2 sasakyan

BULACAN, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng 37-anyos na waitress matapos itong masagasaan ng dalawang sasakyan habang tumatawid sa kahabaan ng highway sa Barangay Lolomboy, bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot ng buhay sa pinagdalhang ospital ang biktimang si Nicole Sulayaw, stay-in waitress sa Harleen Videoke Bar. Habang kinasuhan naman ang dalawang driver ng sasakyan na sina Mark Christian Sangalang, 27, ng La Colina Village sa Marikina City; at Ellizer Sta. Ana, 42, ng Brgy. Pritil sa bayan ng Guiguinto, Bulacan. Ayon kay PO3 Francis Ramos, tumatawid ang biktima sa MacArthur Highway nang mahagip ng motorsiklo ni Sangalang kung saan nasalpok din ng truck (WHU-875) na minamaneho ni Sta. Ana.

Show comments