SUV vs truck: 3 bulagta

NORTH COTABATO, Philippines – Tatlo-katao ang magkakasunod na sinalubong ni kamatayan  makaraang sumalpok ang isang SUV sa nakaparadang truck sa gilid ng Sugbongcogon Highway sa Misamis Oriental, kahapon. Ayon kay P/Senior Insp. Hugo Lacapag, dumaan muna sa Butuan City bago tumulak sa Marawi City mula sa Metro Manila ang mga biktimang lulan ng Montero Sports SUV nang mabangga ang 10-wheeler truck na nakaparada  sa gilid ng highway. Pinaniniwalaan naman ng pulisya na nakaidlip ang driver ng SUV na si Jiamil Baulo sa sobrang haba nang biyahe kaya naganap ang trahedya. Inilibing na rin ang mga biktima batay sa tradisyon ng mga Muslim sa Marawi City kahapon.

 

Show comments