^

Probinsiya

3 banyaga, Pinay kinidnap sa resort

Joy Cantos at Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Apat-katao kabilang ang tatlong banyaga ang dinukot ng mga armadong kalalakihan makaraang salakayin ang isang beach resort sa Island Garden City of Samar sa Davao del Norte noong Lunes ng gabi.

Kabilang sa mga kinidnap ay sina Kjartan Sekkingstad, Norwegian, manager ng Holiday Oceanview Resort; John Ridsdel, Robert Hall, kapawa Canadian at isang hindi pa kilalang Pinay na girlfriend ng isa sa tatlong banyaga.

Sa ulat na nakarating kay Captain Alberto Caber, Army’s regional spokesman na isinumite sa Camp Aguinaldo, bandang alas-10:30 ng gabi nang salakayin ng mga armadong kalalakihan ang nabanggit na resort sa Barangay Camudmod, Babak district sa Samal Island.

Sinabi naman ni Davao del Norte PNP Director P/Senior Supt. Samuel Gadingan, ang mga biktima ay lulan ng yate na nakadaong sa dalampasigan ng resort nang sumalakay ang mga armadong kidnaper.

Bumuo na ng Special Investigation Task Group ang mga awtoridad kung saan sinusuyod na ang Davao Gulf upang iligtas ang mga bihag.

Sa tala ng militar, ito ang kauna-unahang pagkakataon na sinalakay ng mga kidnaper ang Samal Island.

Noong 2001, sinalakay ng mga bandidong Abu Sayyaf ang Pearl Farm sa Davao na nagtangkang dukutin ang mga turista kung saan tatlong security guard ang napatay matapos makipagbarilan sa mga bandido.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ANG

BARANGAY CAMUDMOD

CAMP AGUINALDO

CAPTAIN ALBERTO CABER

DAVAO

DAVAO GULF

DIRECTOR P

HOLIDAY OCEANVIEW RESORT

MGA

SAMAL ISLAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with