3 dayuhan, Pinoy dinukot sa Davao resort
MANILA, Philippines – Tatlong dayuhan at isang Pilipino ang dinukot ng armadong kalalakihan sa isang resort sa Samal, Davao del Norte kagabi.
Nakilala ang mga biktimang sina Kjartan Sekkinstad, John Ridsel, Robert Hall at isang “Tess” na puwersahang isinama ng mga armadong kalalakihan mula sa Oceanview Resort sa Barangay Camudmud, Babak, Samal Island, Davao del Norte bandang 9:30 ng gabi.
Hindi pa naman matukoy kung anong grupo ang dumukot sa mga biktima.
Sinabi ni Capt. June Cerbo, acting spokesman ni Chief Lt. Gen. Rustico Guerrero ng Armed Forces’ Western Mindanao Command (Westmincom) na wala pa naman silang natatanggap na ulat na dinala sa sa Basilan o Sulu ang mga biktima, lugar kung saan malakas ang pwersa ng Abu Sayyaf.
Samantala, base naman sa police report ay isinakay sa isang speedboat ang mga biktima at patungong Pantukan, Compostela Valley.
Ipinagtutugis na ng militar ang nasa likod ng pandurukot
"All efforts have been coordinated by the Westmincom to the Eastmincom in tracking the location of the victims and the suspects,” Arrojado.
- Latest