CAMARINES NORTE, Philippines – Malaki ang posibilidad na biktima ng rape slay ang isang babae na natagpuang hubo’t hubad na lumulutang sa karagatan sakop ng Brgy Sta. Isabel, Matnog, lalawigan ng Sorsogon kahapon ng umaga.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-8:30 ng umaga nang makita ng ilang mangingisda ang malamig na bangkay ng isang hindi nakikilalang babae na tinatayang nasa 25-30 taong gulang at maikli ang buhok.
Nabatid na may sugat sa mukha ang biktima na pinaniniwalaang hinampas ng matigas na bagay ng mga suspek bago ito itinapon sa dagat. Maging ang mga barangay officials sa nasabing lugar ay hindi kilala ang biktima kaya pinaniniwalaang galing sa ibang bayan upang iligaw ang imbestigasyon ng mga awtoridad.