TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Tatlo-katao ang namatay habang 27 naman ang nasa kritikal na kalagayan makaraang mahulog ang pampasaherong jeepney sa may 20-metrong lalim na bangin sa Bulubunduking bahagi ng Barangay Magsaysay sa bayan ng Diffun, Quirino kamakalawa ng gabi.?
Sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp. Edwin Calubaquib, hepe ng Diffun PNP; kinilala ang mga namatay na sina Joan Tabelina, 8-buwang buntis; Linda Mabbay, at si Maria Belingon, 26, mga nakatira sa nasabing barangay.?
Naisugod naman sa Quirino Provincial Hospital sa bayan ng Cabarroguis ang 27 ibang pasahero kabilang ang dalawang sanggol at ang driver ng jeepney na si Samuel Timmada.?
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, gumuho ang gilid ng kalsada habang binabagtas ng pampasaherong jeepney (BBT 541) ang pababang bahagi at tuluyang nahulog patagilid sa bangin.?