^

Probinsiya

Truck hulog sa bangin: 4 pisak, 2 grabe

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Apat-katao ang namatay habang dalawa naman ang malubhang nasugatan makaraang mahulog ang isang truck sa malalim na ba­­ngin sa Barangay Salacafe, bayan ng T’boli, South Cotabato kamakalawa.

Kabilang sa mga namatay na biktima ay sina Darryle Gaje, Marlo Gal, Rene Boy Unggay, at si Joemar Lambong habang sugatan naman sina Leo Caluña at Mark Blasa.

Sa ulat ni P/Chief Inspector Aldrin Gonzales na isinumite sa Camp Crame, naganap na trahedya sa Sitio Kinalom dakong alas-7:05 ng umaga kung saan nag-overshot ang truck (GGS 183) na minamaneho ni Gaje sa matarik na bahagi ng highway kaya nagtuluy-tuloy sa may 100 metrong lalim na bangin.

Lumilitaw sa imbestigasyon na namiskalkula ng driver ang matarik na highway kaya naganap ang trahedya.

Naipit pa sa truck ang mga biktima kung saan tumama ang mga katawan sa batuhan at kakahuyan.

Sumaklolo naman ang mga opisyal ng barangay at mga residente kung saan naisugod pa sa pagamutan ang mga sugatang biktima.

ACIRC

ANG

BARANGAY SALACAFE

CAMP CRAME

CHIEF INSPECTOR ALDRIN GONZALES

DARRYLE GAJE

JOEMAR LAMBONG

LEO CALU

MARK BLASA

MARLO GAL

RENE BOY UNGGAY

SOCCSKSARGEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with