MANILA, Philippines – Patay ang isang piloto at kaniyang estudyante matapos bumagsak ang isang trainer plane sa Plaridel Airport sa Bulacan kahapon.
Naisugod pa ang piloting si Capt. Arthur Rebollido at estudyanteng si James Oquialda sa Bulacan Provincial Hospital sa Malolos matapos saklolohan ng the Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Hindi na umabot pa nang buhay si Rebollido habang namatay si Oquialda habang inililipat sa Our Lady of Mercy Hospital sa bayan ng Pulilan.
Ayon sa CAAP, ganap na 4:46 ng hapon bumagsak ang C152 type trainer aircraft sa dulo ng runway 35.
Wasak na wasak ang eroplano nang matagpuan.
Patuloy ang imbestigasyon ng CAAP sa insidente.