Sekyu dinedo ng kabaro

BULACAN, Philippines – Bulagta ang isang security guard matapos itong pagbabarilin ng kapwa nito sekyu sa binabantayang kompanya sa Barangay Sto. Niño, bayan ng Pandi, Bulacan kahapon ng umaga. Dalawang tama ng bala ng shotgun ang tumapos sa buhay ni Bezaleel Arsenio habang naaresto naman ang suspek na si Dionisio Dimas Jr., 47, kapwa stay-in security guard sa Robina Farms sa nabanggit na barangay. Ayon kay PO3 Vincent Guinacaran, sumiklab ang pagtatalo sa pagitan ng suspek at biktima kaugnay sa binabantayang kompanya. Nairita ang suspek sa tinuran ng biktima kaya naganap ang pamamaril.

Show comments