2 arestado sa P.1-M shabu

Magkatuwang na iniimbentaryo nina PO3 Jojit Ignacio at isang tauhan ng DOJ ang nasamsam na P.1-M halaga ng shabu, mga drug paraphernalia at pera sa sinalakay na bahay sa Northville 4, Barangay Lambakin sa bayan ng Marilao, Bulacan. Boy Cruz

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang babae na sinasabing notoryus na drug pusher makaraang masakote sa isinagawang drug bust operation sa Barangay Lambakin, bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng hapon. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Ma. Esmeralda “Dada” Ignacio, 43, ng Northville 4; at Helen “Len-len” Valderama, 31, ng Northville 4-A sa nasabing barangay. Sa police report na isinumite kay P/Supt. Rogelio Ramos Jr., sinalakay ng mga operatiba ng pulisya ang bahay ni Ignacio base sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Celso O. Baguio ng Gapan City Regional Trial Court Branch 34 sa Nueva Ecija. Nasamsam sa mga suspek ang 16-plastic sachets ng shabu, plastic bag na may 50 gramo ng shabu, dalawang digital weighing scale, mga drug paraphernalia, P7,000 cash at tatlong motorsiklo na walang kaukulang papeles.

Show comments