^

Probinsiya

9-manggagawa dinukot ng Abu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Siyam sa labing-isang manggagawa ng water tank construction ang dinukot ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Barangay Upper Benembengan, bayan ng Sumisip, Basilan kahapon ng umaga.

Ayon kay Captain Rowena Muyuela, Army’s regional spokesperson, naganap ang pagdukot dakong alas-8:45 ng umaga kung saan ang mga biktima ay lulan ng water tank truck ng Abubakar Construction.

Kabilang sa mga kinidnap na biktima ay sina Nasser Jallaha, Merhusin Ubbay, Mustapha Gapul, Abukaisir Nasilin, Jaya Abdulla, Johan Sarao, Nadzhar Garbon, AlsibarJauhari, Margani Alpha.

Inaalam naman ng opis­yal ang pagkakaki­lanlan ng dalawang nakatakas na kinukunan pa ng impormasyon ng JTF Basilan ng AFP.?

Gayon pa man, hindi naman nasiraan ng loob ang dalawa sa mga manggagawa na lakas loob na tumalon sa truck at nagpagulong-gulong sa damuhan hanggang sa tuluyang makatakas.

“The military personnel in coordination  with other concerned agencies are currently conducting operations to rescue the victims,”pahayag ng opisyal.

Lumilitaw pa sa imbes­tigasyon na tinangay at kinomander ng mga bandido ang truck na pag-aari ng Abubakar Construction.

Nagpapatuloy naman ang search and rescue operations ng pinagsanib na tauhan ng pulisya at militar upang iligtas ang mga bihag.

ABU SAYYAF

ABUBAKAR CONSTRUCTION

ABUKAISIR NASILIN

ACIRC

ANG

BARANGAY UPPER BENEMBENGAN

BASILAN

CAPTAIN ROWENA MUYUELA

JAYA ABDULLA

JOHAN SARAO

MARGANI ALPHA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with