Building permit ng shopping mall, iniipit

NUEVA ECIJA, Philippines – Isang mataas na opisyal sa city engineering office ng lokal na pamahalaan ng Cabanatuan City ang inaakusahan ngayon na nang-iipit ng mga dokumento upang hindi makapag-release ng building permit ng itinatayong shopping mall sa Barangay Melojavilla sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Sa panayam ng mga mamamahayag kay Peter Ching ng Rapid Steel Company na nakabase sa Manila, sinabi nito na nagtataka sila kung bakit hindi pa nare-release ang building permit ng kanilang gusali na itinatayo samantalang nagkaroon na sila ng kasunduan na package deal.

Halos 90-percent nang tapos ang ginagawang gusali kaya dapat ay lumabas na ang building permit mula sa nasabing departamento ng lokal na pamahalaan.

Samantala, itinanggi naman ni Engr. George Garcia ng City Engineering Office na may naganap na kasunduan na package deal sa pagitan ng nasabing kompanya at ng kanilang opisina.

Ang dahil anya kaya hindi pa naaayos ang building permit ay peke ang kanilang ipinakitang soil testing na isinagawa umano ng ABP Drilling ang Geotechnical Services.

Sinabi naman ni Ching na maaari naman nilang i-verify ang resulta ng soil testing dahil ibinigay naman nila ang profile ng naturang kompanya.

Show comments