Negosyante itinumba

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Isa na namang negosyante ang napatay matapos ratratin ng tatlong kalalakihan sa kanyang bahay sa Barangay Sta. Cruz, bayan ng Alcia, Isabela kahapon ng madaling araw.

Sa ulat na isinumtie kay P/Chief Insp. George Cablarda, hepe ng Alicia PNP, pinasok ng mga di-kilalang kalalakihan ang bahay ng 79-anyos na biktimang si Rolando Mari.

Gayon pa man, nakipagbarilan pa ang biktima subalit napatay din habang isinusugod sa Cacal Hospital. Narekober ng crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 357 magnum, cal. 9mm pistol, cal. 22 revolver at Carbine rifle.?

Sa talaan ng pulisya, si Mari ang ikatlong trader na itinumba sa bayan ng Alicia simula pa noong Martes kung saan naunang pinatay ang negosyanteng si Jacinto Ulep sa Barangay Calaocan at Rogelio Pascua kasama ang pamangkin na si Edil­berto Castillo na niratrat habang nag-iinuman sa Brgy. Rizaluna noong Huwebes.

Show comments