^

Probinsiya

Testigo sa krimen inutas, mister kritikal

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Dead-on-the spot ang isang 64-anyos na lola na testigo sa isang krimen habang nasa kritikal na kondisyon ang mister nito matapos na pasukin at rat­ratin ng ’di kilalang salarin sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Raniag, Ramon, Isabela kamakalawa ng gabi.?

Sa ulat na nakarating kay Chief Insp. Juancho Alobba, hepe ng PNP Ramon; ang biktimang si Josephina Tolentino na nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay ang pinuntirya ng ‘di kilalang suspek habang malubhang nasugatan ang mister nitong si Ernesto Tolentino, 65, na katabi nito sa kama.?

Sa imbestigasyon, dakong alas-11 ng gabi nang pasukin ng armadong suspek ang mag-asawang matanda habang mahim­bing na natutulog at saka walang sabi-sabing pinaulanan ng bala.?

Nabatid na naging saksi sa isang pagpatay sa kanilang lugar ng nakalipas na taon ang nasabing lola kung kaya’t malaki ang hinala ng pulisya na pinatahimik ang matanda upang hindi makatayong saksi sa kaso.

ACIRC

ANG

BARANGAY RANIAG

CHIEF INSP

ERNESTO TOLENTINO

HABANG

ISABELA

ISANG

JOSEPHINA TOLENTINO

JUANCHO ALOBBA

NABATID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with