4-anyos anak ginilitan ng kaaway ng ama

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 4-anyos na babae habang kritikal naman ang nakatatanda nitong kapatid makaraang gilitan at pagsasaksakin ng di-kilalang lalaki na sinasabing nakaalitan ng kanilang ama sa Barangay Sablig, bayan ng Anda sa Pangasinan kamakalawa ng gabi.

Idineklarang patay sa Bolinao Community Hospital ang biktimang si Arlyn Carace habang isinasalba naman ang buhay ni Marvilyn Carace na tinadtad din ng saksak sa katawan.

Sa ulat ng Pangasinan PNP na isinumite sa Camp Crame, iniwang natutulog ng kanilang mga magulang ang magkapatid para mangisda ang mga ito.

Gayunpaman, nabulabog ang mga kapitbahay sa malakas na palahaw ng mga bata na nagmamakaawa sa takot.

Agad namang inusisa ng pamilya Carino ang mga bata kung saan nakita ang  mga biktima na duguang nakahiga sa kama.

Sa teorya ng mga imbestigador na kaaway ng  ama ang suspek kung saan pinagdiskitahan lamang ang magkapatid sa malupit nitong resbak.

Show comments