13 arestado sa shabu tiangge

Rehas na bakal ang binagsakan ng labintatlong nagpapakalat ang bawal na droga makaraang arestuhin ng mga operatiba ng pulisya sa sinalakay na shabu tiangge sa Barangay Loma De Gato. Philstar.com/File

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng labintatlong nagpapakalat ang bawal na droga makaraang arestuhin ng mga operatiba ng pulisya sa sinalakay na shabu tiangge sa Barangay Loma De Gato, bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Ferdinand Divina, pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Percy Pineda, 33; Ruel Cabrera, 35; Honorata Cruz, 55; Maribel Punto,23; Pedro San Jose, 53; Reynaldo Cabrera Jr., 31; Manuel Layson, 33; Leonardo Villanueva, 36; Armando Reyes, 23; Jayson Halug, 28; Marvin Lapuz, 41; Gerry Gabo, 36; at si Benjie Genieto, 32, ng Brgy. Tungkong Mangga sa San Jose Del Monte City.

Ayon sa ulat, nag-isyu ng search warrant si Judge Celso Baguio ng Gapan Regional Trial Court Branch 34 ng Nueva Ecija kaya sinalakay ng pangkat ng pulisya ang bahay na may shabu tiangge ni Pineda sa Venturanza Compound sa nasabing barangay.

Nasamsam sa bahay ni Pineda ang 7-plastic sachet ng shabu, mga drug paraphernalia, cal. 38 revolver, mga bala ng baril, digital weighing scale, traysikel  limang motorsiklo na walang kaukulang papeles at mga spare parts ng motorbike.

Show comments