MANILA, Philippines – Pinagtulungang pagtatagain hanggang sa mapatay ang 44-anyos na mister na sinasabing tumangging magpautang sa kanyang apat na kainuman sa Barangay Mabasa sa bayan ng Argao, Cebu noong Linggo ng gabi.
Idineklarang patay sa Isidro C. Kintanar Memorial Hospital si Bomirilo Basilisco Davis na nagtamo ng mga sugat sa leeg at iba’t ibang bahagi ng katawan.
Nasakote naman ng mga operatiba ng pulisya ang mga suspek na sina Teodoro Camajalan, 46; Glen Basilisco, 25; Ekiliano Camajalan, 33, at ang 16-anyos na suspek ay sumuko sa mga awtoridad.
Ayon kay P/Senior Inspector Alejandro Batobalonos, hepe ng Argao PNP, nag-iinuman at nagkakantahan ang tatlong suspek at ang biktima nang manghiram ng pera si Teodoro.
Gayon pa man, tumangging magpahiram ang biktima kung saan nagpaalam na uuwi subalit pinagbabato siya ng mga suspek saka pinagtulungan tagain. Freeman News Service