8 tiklo sa shabu tiangge

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Walo-katao na sinasabing notoryus drug pusher ang nasakote makaraang salakayin ng mga operatiba ng pulisya ang shabu tiangge sa Amparado Street, Barangay Sagrada sa bayan ng Baao, Camarines Sur kamakalawa. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Noli Pornillos, lider ng grupo; Alvin Repubio, Romeo Omanga, Jeffrey Agna, Agnes Portacio, Jenny Rose Portacio, Lea Repubio, at si Juliet Locay Locay na pawang nakatira sa nasabing barangay. Sa ulat na nakarating sa Camp Simeon Ola, sina­lakay ang bahay ni Pornillos sa bisa ng seach warrant na inisyu ni Judge Alben Casimiro Rabe ng Tabaco City Regional trial Court Branch 15, Albay. Nasamsam sa mga suspek ang hindi pa mabatid na kilo ng shabu, mga drug paraphernalia, mga bala ng baril, at isang cal. 25 pistol.

Show comments