P390K halaga ng shabu nasabat sa Butuan

MANILA, Philippines — Tiklo ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa lungsod ng Butuan, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nakilala ang suspek na si Francis Nonan ng Villa Kananga, Butuan City, Agusan del Norte.

Nasakote si Nonan nitong kamakalawa sa isang buy busy operation sa Barangay Bayanihan, Butuan City.

Nabawi mula sa suspek ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P390,000.

Himas-rehas na ngayon si Nonan na nahaharap sa kasong pagbebenta ng ilegal na droga.

Show comments