3 tiklo sa P.120-M droga

BULACAN, Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng tatlong kalalakihan na sinasabing drug courier matapos itong madakip ng mga operatiba ng pulisya sa isingawang buy-bust operaton sa Barangay Tuktukan, bayan ng Guiguinto, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Dan Erwin Baldomero, 29, drayber; Manuel “Amy” Dilan, 44, kapwa nakatira sa Northville 3, Brgy. Bayugo sa Meycauayan City; at si Gorio Buenaventura, 24, ng Sitio Bigaa Matanda sa bayan ng Balagtas. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Julius Caesar Domingo, ang tatlo ay naaktuhang iniaabot ang shabu sa nagpanggap na poseur buyer na sina SPO1 Ruel Ventura at PO1 Joe Uring  ay nasakote sa gasolinahan na nasa gilid ng MacArthur Highway. Nasamsam sa mga suspek ang P.120 milyong halaga ng shabu na nakalagay sa 24 plastic sachets at 3 malalaking pakete ng droga. Narekober din ang digital weighing scale, cal. 22 revolver, mga bala at ang P3,000 marked money na ginamit sa operasyon.

Show comments