Bunso nagbiro utas kay ate

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang masamang biruan ang isa sa dahilan kaya napatay sa saksak ang 16-anyos na binatilyo ng kanyang ate sa kanilang bahay sa bayan ng Tublay, Benguet noong Martes ng gabi.

Sa ulat ng Cordillera PNP na isinumite sa Camp Crame, itinago sa panga­lang Limuel ang biktimang estudyante habang ang suspek ay ipinatago naman sa pangalang Teresa sa pakiusap na rin sa pulisya ng mga magulang upang protektahan ang pamilya.

Base sa imbestigasyon, nagluluto ng pang-ulam ang magkapatid nang magkapikunan sa kusina kung saan sa gitna ng masamang biruan ay sinaksak ng 19-anyos na si Teresa ang binatilyo na tinamaan sa kaliwang dibdib.

Nabatid na napalakas ang saksak ng suspek sa biktima kaya ito duguang bumulagta.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima pero idineklarang patay kung saan nakaditine sa himpilan ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong parricide.

Show comments