3 sa 5 pumuga sa Maguindanao jail nahuli na

MANILA, Philippines – Limang preso ng Maguindanao provincial jail ang pumuga ngayong Miyerkules ng madaling araw, ngunit tatlo sa kanila ang nadakip na ayon sa mga awtoridad.

Nakilala ang mga nadakip na pumuga na sina Orak Makalay, Hakino Mento at Tampakan Antilino matapos maglunsad ng pursuit operation ang mga pulis.

Pinaghahahanap pa ngayon ang dalawa pa nilang kasamahan na sina Fahad Sangki at Faisal Macarimbang.

Base sa pangunang imbestigasyon, nakatakas ang limang preso matapos putulin ang window grills.

Sinabayan ng mga pugante ang malakas na ulan kaninang madaling araw upang hindi sila lalong mapansin ng naka duty na pulis.

Nasakote sina Makalay, Mento at Antilino sa isang checkpoint sa Esteros District in Cotabato City.

May kasong pagtutulak ng ilegal na droga at rape ang mga pumugang preso.

 

Show comments