Holdaper patay sa shootout

CAVITE, Philippines – Napatay ang 33-anyos na pedicab driver na nang holdap ng isang misis matapos itong makipagbarilan sa mga pulis sa kahabaan ng Barangay Zapote 2 sa Bacoor City, Cavite kahapon ng madaling araw. Kinilala ni PO3 Robertson Vallejo ang napatay na si Larry Gabor ng Barangay Zapote 1 sa nasabing lungsod. Sa police report na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, lumilitaw na hinoldap ni Gabor ang biktimang si Syria Mavi Mora ng Brgy. Malagasang II sa Imus City. Tumakas si Gabor subalit nakorner ng mga operatiba ng pulisya. Hindi naman sumuko si Gabor at nakipagbarilan hanggang sa mapatay. Narekober sa crime scene ang isang paltik na cal. 9mm pistol  at tatlong basyo ng bala ng baril.

Show comments