4 minero utas sa gas poisoning

MANILA, Philippines - Apat na minero ang namatay sa naganap na magkahiwalay na gas poisoning sa loob ng minahan sa bayan ng Itogon, Benguet kamakalawa. Sa ulat ni P/Chief Supt. Isagani Nerez na isinumite sa Camp Crame, naganap ang unang insidente sa Reno Tuding kung saan nakalanghap ng kemikal at namatay sa loob ng minahan ang 23-anyos na si Abe Amyao ng Brgy. Loacan. Narekober ang katawan ni Amyao kahapon ng madaling araw kung saan naisugod pa sa Saint Louie Medical Center pero idineklarang patay. Samantala, namatay din ang mga minerong sina Ismael Sadya-as, 25; Bambi Dongla, 28; at si Tula Mateo, 53, matapos makalanghap ng nakalalasong gas sa Baguio Gold, Barangay Tuding kamakalawa ng hapon. Nabatid na tinangka ni Sadya-as na iligtas si Dongla sa minahan kung saan sumunod naman si Mateo subalit magkakasunod na tumimbuwang dahil sa nakalalasong gas. Ang bangkay ng tatlo ay narekober kamakalawa  ng gabi.

 

Show comments