Student dinedo dahil sa pambubuli

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang pambubuli ang isa sa motibo kaya napatay ang 21-anyos na Hotel and Restaurant Mana­gement student matapos itong saksakin ng kanyang classmate sa loob ng classroom ng Cabalum Western College sa Iloilo City, Iloilo kahapon ng umaga.

Kinilala ang napatay na si Jay Mark Barlan ng San Enrique, Iloilo habang sumuko naman sa school security guard ang suspek na si Allison Hecita, 21, ng Molo District sa Iloilo City at kapwa 1st year student sa nasabing kolehiyo. 

Ayon kay P/Senior Inspector Jojo Tabaloc, sinaksak ni Hecita ang biktima dahil sa patuloy na pambubuli nito.

Nabatid na papasok na si Barlan sa klasrum bago pa magsimula ang klase nang lapitan at saksakin ni Hecita sa ibabang dibdib.

Naisugod si Barlan sa St. Paul University Hospital subalit idineklarang patay habang sumuko naman si Hecita saka dinala sa  himpilan ng pulisya para sa kaukulang pagsasampa ng kasong kriminal. Isinalin sa Tagalog ng patnugot

 


 

Show comments