Lover ni misis, kinatay ni mister

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Pinabulagta ang 48-anyos na negosyante matapos itong pagtatagain ay pinugutan pa ng kanyang kainuman dahil sa pakikipagrelasyon nito sa misis ng huli  sa Purok 6, Barangay Inarado sa bayan ng Daraga, Albay kamakalawa ng gabi.

Nagkagutay-gutay ang katawan ni Joel Brillantes ng Sitio Langatong sa nasabing barangay habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Arnel Velasco, 46, magsasaka at residente sa nabanggit na bayan.

Sa police report na isinumite sa Cam Simeon Ola, huling namataang buhay ang biktima na nakikipag-inuman sa suspek at ilang kaibigan sa bahay ni Florentino Marco.

Gayon pa man, nagpaiwan ang suspek at biktima na nag-iinuman habang  umuwi naman ang kanilang kainuman.

Kinabukasan ay natagpuan ang duguang katawan ng biktima na nakahandusay sa harap ng bahay ng isa  sa mga residente.

Inamin naman ng suspek ang krimen dahil sa ma-tinding paninibugho kaugnay sa pakikipagrelasyon ng kanyang misis sa biktima.

Show comments