Utol ng chairman binoga sa mukha

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Binistay ng bala sa mukha ang kapatid ng barangay chairman matapos itong manampal ng kainuman sa Barangay Nabuan,  Santiago City, Isabela kamakalawa. Sa police report na isinumite kay P/Supt. Albert Baggayan, spokesman ng  Isabela City PNP, tinangay ng suspek na si Ferdinand Navalta ang motorsiklo ng biktimang si Roberto Tablada matapos ang pamamaril dakong alas-9 ng gabi. Lumalabas sa imbestigasyon na nauwi sa mainitang pagtatalo ng magkaibigang lango sa alak hanggang sampalin ng biktima ang suspek. Sumiklab naman ang galit ng suspek kaya niratrat sa mukha ang biktima na sinasabing utol ni Chairman Rolando Tablada sa nabanggit na barangay.

Show comments