Laborer kinatay sa farm

NORTH COTABATO, Philippines  – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 35-anyos na laborer matapos itong pagtatagain ng di-kilalang lalaki sa compound ng RMG farm sa Barangay Birada, Kidapawan City sa North Cotabato noong Sabado ng madaling araw. Kinilala ang biktima na si Rodrigo Villafuente ng Guihing, Davao del Sur habang pinaghahanap naman ang suspek na sinasabing alyas Ronnie. Natagpuan ng isa ring tenant sa farm ang isang papel sa ibabaw ng mesa sa kusina na may nakasulat na - si Ronnie ang pumatay kay Rodrigo.

Show comments