Kelot timbog sa P.7-M shabu

MANILA, Philippines – Umaabot sa P700,000 halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) katulong ng Philippine National Police (PNP) sa isinagawang buy-bust operation sa Yakapin at Burgos Streets, Cagayan de Oro City.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., ang naarestong suspek na si Mark Anthony Izon Roa, alias Totoy Roa, 34, binata,ng No. 40 Yacapin-Burgos Streets, Cagayan de Oro City na nakumpiskahan ng P700,000 shabu na nakasilid sa anim na piraso ng plastic cellophane.

Nakatakdang kasuhan si Roa ng paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng RA 9165 o kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments